Advertisers
Sa makabagong sistema ng edukasyon ngayon dulot ng COVID-19 PANDEMIC dagdag pa ang pananalasa ng mga kalamidad sa ating bansa ay halos napapaluha na sa abang dinadanas ang mga NON-TEACHING PERSONNEL ng DEPARTMENT OF EDUCATION (DEPED), dahil baryang insentibong dapat nilang matanggap para sa kanilang naging pagtatrabaho nitong taong 2018 at 2019 ay hindi pa rin nila matanggap.
Ang insentibong dapat matanggap base sa COLLECTIVE NEGOTIATION AGREEMENT (CNA) para sa mga NON-ACADEMIC STAFF ng DepEd ay cash incentives na P6,000 hanggang P7,000 kada-taon, kung saan ay.magtatapos na ang taong 2020 ay wala pa ring natatanggap ang mga benipesaryo.., na kung matatanggap nila ngayon ay makakatulong at makakatulong sa gastusin ng mga ito ngayong may pandemiya na ay may mga kalamidad pa.
\Bunsod nito, sa pangunguna ni DepEd-NATIONAL EMPLOYEES UNION PRESIDENT ATTY. DOMINGO ALIDON ay nananawagan sa pamunuan ng DepEd partikular kay EDUCATION SECRETARY LEONOR BRIONES na ibigay na ang 2018 at 2019 CNA INCENTIVES ngayong panahong taghirap na dulot ng pandemya’t mga kalamidad.., para kahit baryang halaga ay may magamit sa mga gastusing kinakaharap sa ikabubuhay ng kani-kanilang mga pamilya.
“We have already requested the management to have a virtual meeting so that we can resolve issues and concerns sorrounding the 2018 and 2019 CNA incentives.., I have already called the attention of the management that the time is fast approaching for the deadline on November 15, so that we can submit our savings to be obligated for the payment of the CNA incentives for the 2019… so that we cannot be technically disqualified to receive the incentives,” pahayag ni ATTY. ALIDON.
Kamakailan, sa SOCIAL MEDIA POSTS ay halos pambabatikos sa DepEd ang mababasa dahil ang naturang ahensiya ay bumili ng mga bagong sasakyan na Mitsubishi Strada 4×4 GLS MT trucks na magagamit ng kanilang Field Engineers para sa regular na field inspections.., kung saan, nitong nagdaang buwan ay tinanggap ng naturang ahensiya ang 166 brand new units na karagdagan sa 88 sasakyang naideliver noong December 2019, para sa kabuuang 254 units na nagkakahalaga ng P1.4 milyon bawat isa.
Ang mga pambabatikos na naipost sa mga social media ay mas inuna pa raw ng Deped ang paggamit sa malaking budget para sa service vehicle ng Field Engineers gayong ang mga teacher na nagkakandahirap sa pag-akyat sa mga bundok para sa kanilang mga estudyante ay hindi maibigay ang kakarampot nilang benipisyo.
Ang naturang pagbili ng mga service vehicle ay ipinagtanggol naman ng PALASYO sa pamamagitan ni PRESIDENTIAL SPOKESMAN HARRY ROQUE sa pagsasabing walang mali sa naging pagbili ng Deped sa mga service vehicle na noon pang taong 2016 binuo at ang budget na ginamit ay kabilang sa 2019 pondo ng nasabing ahensiya.
Bukod sa naging pagdedepensa ng Palasyo ay sinusuportahan din ng DepEd- NATIONAL EMPLOYEES UNION ang pagbili ng mga sasakyan para sa pangangailangan ng kanilang ahensiya, dahil ang budget dito ay laan lamang para sa mga sasakyan at iba naman ang nauukol para sa CNA, na ipinunto ni ATTY. ALIDON.., sa halip batikusin ang DepEd ay dapat na pasalamatan pa ang management dahil malaking katulungan umano ang mga biniling sasakyan para sa naging paghahatid ng modules at iba pang mga serbisyong pagbibiyahe. Aniya hindi dapat na pinopolitika ang naturang isyu.
“They are just but making this issue politically. They are dramatizing this issue to serve their own purposes and without seeing the big picture which it was been purchased for the purpose. With or without these vehicles, there are already issues on Magna Carta benefits of the teachers,” pahayag ni ALIDON.
Oo nga naman, ang budget na ginamit sa pagbili ng mga sasakyan ay laan lamang sa pagkuha ng mga sasakyan at iba naman ang budget para sa benepisyo ng mga empleyado.., dahil ang CNA ay isang kontrata sa pagitan ng DepEd management at ng DepEd-NEU kung saan ito ay naglalaman ng mga kapakanan at benepisyo na matatanggap ng bawat empleyado.
Teka.., baka naman kaya ang sulat-komunikasyon ng employees union e hindi pa nakakarating o hindi pa nababasa ni SEC. BRIONES.., e kawawa naman ang ibang mga empleyado ng kanilang sangay na mayorya ay dumaranas ngayon ng paghihirap sa kanilang kabuhayan.
PAGING SEC. BRIONES.., batid ng ARYA na lubhang abala po kayo sa pangangasiwa ng inyong ahensiya.. pero, sana ay mapag-ukulan nyo ang hinaing ng inyong mga non-teaching employees na matanggap na nila ngayon ang benipisyong kanilang ipinagtrabaho sa taong 2018 at 2019 salig sa itinatakda ng CNA.
Kahit baryang halagang insentibo sa pangkaraniwang mga empleyado kumpara sa matataas na posisyon ay malaking katulungan na ito para sa lahat ng NON-TEACHING PERSONNEL na bago man lang matapos ang taong 2020 ay kanila nang matanggap ang insentibong laan para sa kanilang pinagpagalan!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.