Advertisers

Advertisers

Tingog P-L ni Yedda at Speaker Romualdez nanguna sa pagsaklolo sa mga biktima ng lindol – PMSEA asaan kayo?

0 17

Advertisers

Kung sana lahat ng elected at mga appointed government officials ay kasing bilis sa pagtulong ng magsing-irog na sina Tingog Party List Representative Yedda at House Speaker Martin G Romualdez ay baka hindi na makakatikim pa ng pambabatikos sa taong bayan ang mga ito hindi yung ang alam eh puro layup sa bulsa.

Alam po ba ninyo mga Ka Usapang HAUZ ay agad na umaksyon ang tanggapan nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Tingog party-list Yedda Romualdez upang agad matulungan ang mga biktima ng magnitude 6.8 lindol na yumanig sa katimugang bahagi ng Mindanao nitong nakalipas na Biyernes.

Eto ang wow mga Ka Usapang HAUZ, bilang pagtalima sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sinabi ni House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada na inatasan ni Speaker Romualdez ang kanyang team, katuwang ang Tingog, na agad na magpadala ng suporta sa mga apektadong residente.



“Speaker Romualdez and Tingog Partylist are committed to doing our part to provide comfort and relief in these challenging times. The Speaker underscored the need for us to stand for the victims,” pahayag ni Gabonada.

Ayon kay Gabonada tumulong si Speaker Romualdez sa pagpapalabas ng P10 milyong halaga ng medical assistance para sa mahihirap na pasyente mula sa Department of Health (DOH) at P10 milyong ayuda sa ilalim ng assistance to individuals in crisis (AICS) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipaaabot sa distrito nina Sarangani Rep. Steve Chiongbian Solon at South Cotabato Lone District Rep. Loreto B. Acharon.

Binanggit rin ni Gabonada na magpapadala din ng mga construction materials sa mga apektadong residente upang matulungan ang mga ito na makumpuni ang kanilang mga nasirang bahay dahil sa 6.8 magnitude na lindol.

Ayon kay Gabonada ang mga Tingog team sa Davao City at General Santos ay naghahanda ng 5,000 relief goods na ipadadala sa distrito nina Solon at Acharon.

Nakikipag-ugnayan na rin mga Ka Usapang HAUZ ang Office of the Speaker sa Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga mambabatas na ang distrito ay naapektuhan ng lindol para sa pagpapalabas ng quick response funds upang agad na maisaayos ang mga pampublikong imprastraktura gaya ng tulay at paaralan, wag naman sanang yung mga Congressman lang na apektado sa kanilang lugar ang magbigay sana all.



“Speaker Romualdez and Tingog Partylist’s commitment to the welfare of the affected community goes beyond words. We will always respond immediately to assist those in need,” dagdag ni Gabonada.

Meron lang nangumusta sa mga Ka Usapang HAUZ na ano naman daw ang naging ambag ng mga mining company sa Mindanao na sila ang may magagandang kagamitan para sa pagtulong, tawagan natin ng pansin ang Philippine Mines Safety and Environment Association (PMSEA) na katatapos lang magpasarap ng 5 araw sa Baguio City.

***

Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag txt sa 09352916036