Advertisers

Advertisers

Jennica tinuldukan na ang relasyon sa ex-mister na si Alwyn

0 6

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

SA interview sa vlog ng broadcast journalist turned vlogger na si Karen Davila, ibinahagi ni Jennica Garcia ang naging hiwalayan nila ni Alwyn Uytingco.

Naikuwento niya noon ang muli nilang pagsasama sa loob ng isang taon in the hope na maisalba pa ang kanilang relationship.



Sa nasabing vlog, naitanong din ni Karen kung may pag-asa pa bang magkabalikan sila ni Alwyn.
“Not anymore Miss Karen. Nalaman ko na hindi na ako mag-eeffort to make it work because when we separated, I already gave my all for another year to try. And gusto ko rin naman pong ibigay kay Alwyn na nung bumalik naman siya, okay naman. Kumbaga nakita ko rin naman yung willingness niya,” aniya.
Sa nasabing vlog, inamin din ni Jennica na siya na mismo ang umayaw na makipagbalikan sa ex.

“Sa totoo po parang ako na po ‘yung problema after nung one year. Parang we don’t fight, kasi nga po ayaw ko po ng conflict ‘di ba? Pero hindi ko po napansin na sa one year pala na ‘yun, parang nagmo-move on na pala ako nang hindi ko alam. Kaya feeling ko po nung sinabi ko rin sa kanya na pasensya ka na, ayaw ko na. Feeling ko nagulat din siya. Kasi parang sa kanya, walang pinanggalingan na mismong root kasi okay naman kami. Ang problema, kapag tinuloy ko pa, ‘di ko makikitang enough yung sarili ko,” paliwanag niya.

Marami naman ang nagsasabing tila blessing in disguise ang naging paghihiwalay ng showbiz couple.
Sa ngayon kasi, aktibo si Jennica sa pag-arte at humahataw ito sa mga acting project.