Advertisers

Advertisers

Pia humiling ng dasal sa gusot ng pamilya lalo na ng utol na si Sarah

0 219

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGSALITA na rin sa wakas ang 2015 Ms. Universe na si Pia Wurtzbach tungkol sa gusot ng kanilang pamilya lalo na ng kanyang kapatid na si Sarah.

Sa kanyang IG account, binasag ng beauty queen ang kanyang pananahimik lalo na’t tila hindi pa rin tapos ang isyu ng sister niya sa ina nitong si Cheryl Tindall.



“I’m sure a  lot of you know that my family is going through some issues at the moment and most of it is posted online. This is a very hurtful time for our family. My sister, especially, had a very traumatic experience and I humbly ask everyone to be kind to her.

“We are trying to resolve our family issues privately and I ask for your support by not trying to put the blame on anyone and stop victim shaming. Please be mindful on your posts and comments to Sarah, mabigat ang pinagdadaanan niya ngayon. Bilang anak at kapatid, napakasakit sa akin na makitang nagkakaganito ang mga taong mahal ko.

“Hiling ko na lang po sa inyo na isama nyo kami sa inyong mga dasal at sana mahanap na rin ng aming pamilya ang nararapat na healing. Sa panahon na ito, magpakita po tayo ng pagmamalasakit at pagmamahal sa isa’t isa. Maraming salamat po,”pahayag ni Pia.

Matatandaang naging usap-usapan ang paglabas ng saloobin ng kanyang kapatid na si Sarah nitong nakaraang buwan.

Nadamay din si Pia dahil sa mga hinanakit ng kapatid sa kanyang inang si Cheryl.



Tinawag pa nitong Hudas ang ina sa isa sa mga social media posts niya. Maging ang kasalukuyang boyfriend umano ni Pia na si Jeremy Jauncey ay lumapit sa kanya upang humingi ng tulong matapos magkaroon ng problema sa isa sa kanilang kliyente dahil umano sa ina nilang si Cheryl Tyndall.