Advertisers

Advertisers

Trump o Biden mananatiling matatag ang RP-US relation

0 248

Advertisers

MANANATILI pa rin ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos kahit sinuman ang manalo sa pagkapangulo.
Ito ang ginawang pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque dahil mananatiling matatag ang samahan ng dalawang bansa.
Sinabi ni Roque ang bilateral relations ng Pilipinas at Amerika ay hindi magbabago kung sinuman kina re-electionist US president Donald Trump at dating Vice President Joe Biden ang magwawagi sa ginaganap ngayong halalang pampanguluhan.
Aniya kung sakali mang lumusot o manalo si Biden kay Trump sa presidential elections nakahanda na magbuo ng pagkakaibigan si Pangulong Duterte.
Gayunpaman, aniya na hintayin ang magiging reulta ng presidential election sa Amerika na inaabangan ng lahat sa buong mundo.
Nagpaabot naman ng mensahe ang Malakanyang kina Trump at Biden ng “May the best man win.” (Vanz Fernandez)