Advertisers

Advertisers

Rapist patay nang ‘manlaban’ sa loob ng presinto

0 265

Advertisers

PATAY ang isang rape suspect nang manlaban umano habang nasa loob ng presinto sa General Santos City.
Kinilala ang nasawi na si Merston Mocodompis.
Sa ulat, nang-agaw ng baril ng pulis si Mocodompis, na dinakip nang ireklamo ng panghahalay sa 6-anyos na bata.
Inagaw umani ni Mocodompis ang baril ng pulis nang kukuhanan na ito ng mugshot at nagpaputok, dahilan para barilin siya ng mga pulis sa loob ng istasyon. Dead on arrival sa ospital si Mocodompis.
Hindi naman naniniwala ang pamilya ni Mocodompis na nanggahasa ito at nanlaban kaya napatay ng mga pulis. Nananawagan sila ng hustisya.