Advertisers

Advertisers

BASKETBALL SUPERSTAR KEIFER RAVENA INENDORSO ANG COCOLIFE SHOOTFEST PHOTO PROMO

0 163

Advertisers

MAY bagong pamaskong pakulo ang Cocolife para sa bayang litratista.
‘Catch the moment, shoot the drama, emotion and the spirit and win’- ito ang malugod na paanyaya ng nangungunang kumpanyang pang-insurance sa bansa.
Isang Christmas season full of life ang nakalaan para sa mga kabataan at me-edad nang mga entusiyastiko sa larangan nang potograpiya matapos ilunsad ng Cocolife ang isang natatanging paligsahan sa pagkuha ng makabuluhang larawan para sa new normal ng taunang Yuletide celebration.
Inendorso kamakalawa ni Basketball superstar Keifer Ravena-Gilas team Captain at Cocolife Brand Ambassador ang pamaskong pakulo ng Cocolife na ‘Acts of Kindness’ Contest and Win’ na handog para sa mga kababayang amateur/professional photographers sa buong kapuluan.
Lahat ng entries ay dapat na orihinal na materiales at nasa digital form (JPEG format). Ang pag-gamit ng DSLR Point-in-and- Shoot at Camera Phones ay pinapayagan sa paligsahan.
Tumataginting na Php10,000 lakip ang Christmas Noche Buena Gift Package at pirmadong RVNA ball ang igagawad para sa labindalawang mga makasining na photography winners na iaanunsiyo sa Disyembre 11, 2020.
Ipapadala ng Cocolife social media team sa private messenger ng mga nagsipagwagi upang ipaalam ang pinal na na resulta at maaaring makuha ang kanilang premyo sa pinakamalapit na sangay ng Cocolife.
Ang mga lalahok sa pakulong suportado nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, FVP Joseph Ronquillo, AVP Rowena Asnan at SVP Joie Franz Araque, ay dapat na nasa edad 21 hanggang 59 anyos at marapat na i-like ang official Facebook page ng Cocolife at may komento sa kanilang photo entries na may temang ‘Acts of Kindness’ promo post na may hashtag #ActsofKindness# Cocolife #BeleivinginTheFilipino.
Ang registration link ay ipapasa sa mga kwalipikadong partisipante para sa detalye ng komunikasyon.
Walang takdang limit ng entries ang bawat kalahok at ang deadline ng pagsumite ng kanilang piyesa ay sa Nobyembre 30, 2020.(Danny Simon)