Advertisers

Advertisers

Melai ipinagtanggol ang mister sa akusang palamunin lang

0 7

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NOON pa pinagpipiyestahan ng mga marites na hiwalay na umano sina Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Itinuturo namang dahilan umano ng kanilang hiwalayan ay ang aspetong pinansyal.



Mas malaki kasing kumita ang komedyana at TV host sa kanyang kabiyak.

Katunayan, may mga savage na nag-aakusa na ‘palamunin’ daw ng “Magandang Buhay” host si Jason.

Sa panayam naman ni Ogie Diaz, hindi ikinaila ni Melai na may mga pagkakataong nag-aaway sila ni Jason.

Aniya, natural lang daw naman sa mag-asawa ang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
Gayunpaman, to the rescue siya sa mister sa mga nagme-menos sa kakayahan nitong itaguyod ang pamilya.

Naikwento rin niya kung gaano siya kabilib kay Jason dahil hindi nito pinakikialaman ang kanyang pera.



Naibahagi rin niya kung paano ibinibigay nito ang lahat ng kita bilang padre de pamilya.
“Sabi niya, ang pera mo ay iyo ang pera ko ay sa atin. So dun ako na-amaze. ‘Dun din yung time na nawalan ako ng trabaho kasi nagbubuntis ako, sa GenSan ako nun. Na-amaze ako nun kasi bigay siya ng bigay ng pera. Sobra talaga. Na-appreciate ba ng mga tao yun? Di naman di ba?

Pero yung mga moments na meron siyang pinagdadaanan na anxiety, di makapagtrabaho tapos hindi pa siya makita sa TV. Ibig sabihin wala na siyang kwentang tao. Kaya mag-asawa kasi nga nagtutulungan,” ani Melai.

“Ito yung gusto kong sabihin sa mga Marites na nagsasabi ng masama sa asawa ko. Talagang ako lang nakakaalam sa sweldo ko. Ako lang ang nakakaalam at manager ko, kung anong pumapasok sa bank account ko. Pero siya pag may pera siya hinuhulog niya sa akin.

Ako naman ang magba-budget sa amin kung anong gustong kunin. Kailangan ko bang sabihin sa mga tao na ganun ang asawa ko?” dagdag pa niya.

Sina Melai at Jason ay unang nagkakilala sa Bahay ni Kuya kung saan nabuo ang kanilang relasyon.