Advertisers
MARIING nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na huwag magbigay ng anuman sa mga nanlilimos sa kalsada.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, mayroong batas na nagbabawal ng pagbibigay ng anumang limos.
Batay kasi sa Presidential Decree 1563 na inilabas noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr na may kaparusahan ang sinumang magbibigay ng limos kung saan bukod sa pagmumultahin ang mga ito ay makukulong ng hanggang apat na taon.
Hindi na aniya kailangan na mabigyan ng limos ang mga street dwellers dahil sa mayroong programa ang ahensiya gaya ng Oplan Abot.
Inihayag ito ng DSWD dahil sa pagdami ng mga namamalimos sa kalsada lalo na ngayong nalalapit ang panahon ng kapaskuhan.