Advertisers

Advertisers

Higit P2.3m shabu nasabat sa Caloocan, Valenzuela

0 238

Advertisers

HIGIT P2.3 milyong halaga ng shabu ang nasabat sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Valenzuela nitong Martes.
Unang naaresto ang isang babae at isang lalaki nang kumagat sa buy-bust operation ng Quezon City Police District sa Brgy. Malinta, Valenzuela.
Sa ulat ng QCPD Station 10, residente ng Malinta ang dalawa pero nasa QCPD drugs watchlist sila dahil nagbabagsak rin sila ng droga sa Quezon City.
Nakuha sa dalawa ang 200 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1.36 million.
Samantala, balik-kulungan naman ang 3 lalaki nang maaresto sa buy-bust operation ng Northern Police District sa dalawang magkasunod na operasyon sa Brgy. 86, Caloocan at Malinta.
Ayon kay Capt Ramon Aquiatan Jr., hepe ng NPD drug enforcement unit, una nilang naaresto sa buy-bust operation sa Caloocan si “Uteng” na dati nang nakulong sa kasong rape, at isang “Feliz”. Kapwa nasa PNP drugs watchlist ang dalawa.
Nalambat naman sa follow-up operation sa Valenzuela ang isa pa nilang kasamahan na lalaki na suplayer umano nila ng droga.
Nakumpiska sa tatlo ang 155 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1 milyon. (Beth Samson)