Advertisers

Advertisers

Rapist 1 dekada nagtago, huli sa Nueva Ecija

0 236

Advertisers

NAHULOG din sa kamay ng batas ang isang lalaki na halos isang dekadang nagtago sa kasong panghahalay sa Barangay San Juan, Laur, Nueva Ecija.
Sa ulat ni Cpt. Jonathan S. Romero, hepe ng Laur Police Station, kinilala ang naaresto na si Jerryfil Valdez, 43, residente ng nasabing lugar.
Ayon sa report, 12:10 ng hapon nitong Martes nang masakote ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court (RTC), Branch 40 sa Palayan City, Nueva Ecija.
Si Valdez ay nasa Top 3 municipal most wanted person sa Laur.