Advertisers

Advertisers

2 PULIS AT EX-PARAK KULONG SA MGA ILIGAL NA AKTIBIDADES!

0 16

Advertisers

DINAKIP ang dalawang aktibo at isang dating pulis ng mga elemento ng PNP-Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG) sa bisa ng warrant of arrest sa pagkakasangkot sa iba’t ibang iligal na aktibidades.

Kinilala ni Brigadier General Warren de Leon, direktor ng PNP-IMEG, ang mga naaresto na sina Patrolman Michael Angelo L Basa, nakatalaga sa 1st PMFC, Cabanatuan City; MSg Joey G Cauila, nakatalaga sa Gattaran MPS, ng Brgy. Linao East, Tuguegarao City, Cagayan; at dating pulis na si PO2 Marvin Jay Allam Pagulayan.

Ayon kay De Leon, inaresto si Basa ng mga elemento ng PNP-IMEG Luzon Field Unit (LFU) sa bisa ng warrant of arrest sa kasong ‘grave threat’ habang naka-duty sa 1st PMFC, Cabanatuan City, Nueva Ecija nitong Martes.



Inaresto naman si Cauila sa bisa ng warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 9262 nitong Martes.
Isinampa ang kaso ng asawa ni Cauila na hindi pinangalanan ng San Vicente, Gattaran, Cagayan noong 2022 dahil sa hindi pagbibigay ng suporta ng nasabing pulis.

Habang inaresto si Pagulayan sa bisa ng warrant of arrest sa kasong estafa na may piyansang P2,000 para sa pangsamantala kalayaan.

Inireklamo si Pagulayan nang mabigong ito maayos ang pagpapatitulo ng lupain matapos maghingi ng P16,000.(Mark Obleada)