Advertisers

Advertisers

Hamon kay Lord: Imbestigahan ang Makabayan Bloc

0 950

Advertisers

HINDI pa nga umiinit ang puwetan ni Speaker Lord Allan Velasco bilang lider ng Kamara ay nagsusulputan na ang kaliwa’t kanang isyu na dapat niyang harapin bilang pinuno ng Kamara de Representante.
Opo! Tulad nito: Tahasang hinamon ni Jeffrey “Ka Eric” Celis, dating kadre ng NPA, na imbestigahan ni Velasco ang mga kongresistang kasapi ng ‘Makabayan Bloc’ upang hubaran ang tunay nilang mga katauhan.
Ayon kay Celis, handa siya at ang kanyang mga kasamahan na dating kadre ng CPP-NPA na ihayag ang buong katotohan tungkol sa pagiging umano’y miyembro ng kilusang komunista ng Makabayan Bloc members kabilang na sila Reps. Gaite, Cullamat, Zarate, Elago, Brosas at Castro.
“Speaker Lord Allan Velasco, I request, we request, let’s suspend the rules in Congress and we will face them—face to face without parliamentary restrictions, and let us speak to the nation through your Congress, through our Congress,” giit ni Celis.
Paano kasi todo-todo ang ginawang banat ng mga dating kadre ng CPP-NPA sa Makabayan Bloc sa isang press briefing. Ina-kusahan pa ni Celis ang naturang mga kongresista na ginagamit ang pera ng bayan para isulong ang kanilang mga adhikain na laban sa bayan at laban sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
“Hindi ko alam kung tama ako, Speaker Velasco, Sir!, every Congressman o Congresswoman tumatanggap ‘yan ng P68 million na budget every year. It is a budget for your consultants, office, sahod, at iba pa. And yet, we are paying them inside Congress to do nothing but to attack, malign, and subvert the authority of the government and bastardize the democratic institutions like the Congress that we have”, diin ni Celis.
Ano kaya ngayon ang gagawin ni Velasco dito? Papatulan ba niya ang panawagan o mananahimik na lamang? Tandaan ninyo: Dinepensahan ni Velasco ang Makabayan Bloc mula sa sinasa-bing “red-tagging” ni AFP Lieutenant General Antonio Parlade Jr., tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTFELCAC).
Nanindigan pa si Velasco na hindi dapat bumabanat si Parlade laban sa Makabayan Bloc kung wala itong ebidensya, at kung meron man dapat ay dalhin niya ito sa korte at doon magreklamo. Responsibilidad aniya na pangalagaan ang karapatan ng mga miyembro ng Kamara.
Teka lang, nakakalimutan na ba ni Velasco na mismong si Pangulong Rody Duterte ang nagtatag ng grupo ng NTFELC AC kungsaan kasapi si Parlade? Nakalimutan narin ba niya na kumukulo ang dugo ni PRRD sa kilusang komunista? Ano ang ibig sabihin ng pagtatanggol niya sa Makabayan Bloc? At naisip narin ba niya kung ano ang magiging reaksyon ng Malacanang sa ginagawa niya? Naku, Lord… Ang daming katanungan ngayon na dapat mong sagutin. Hehehe…
Well, abangan natin ang susunod na kabanata. Dito natin malalaman kung paano haharapin ng liderato ng Kamara ang mga maiinit na isyu na kanilang hinaharap sa ngayon. Abangan…
***
Inanunsyo ni Pangulong Duterte na maraming masisibak sa mga ahensiya na tadtad ng korapsyon bago mag-PASKO, sa Disyembre.
Hmmm… kasama kaya sa masisibak sina Health Secretary Francisco Duque, Public Works Sec. Mark Villar, at Immigration Commissioner Morente? Hindi!
Oo… Paulit-ulit nang sinasabi ni Duterte na buo parin ang kanyang tiwala kina Duque at Villar. Mga mapepera aniya ito, kaya hindi na ito magnanakaw. Ganun?
That means ang masisibak ay ang under ranks lang sa DoH, DPWH at Immigration. Tsk tsk tsk… Naniniwala ba kayo na ‘di kasabwat sa korapsyon sina Duque, Villar at Morente?
Txt nyo nga ako, bayan!