Advertisers
LUMOBO na sa 93,354 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng covid- 19 sa bansa.
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health ng 4,063 na mga bagong kaso ng virus infection nitong Biyernes.
Mayorya ng mga bagong kaso ay mula pa rin sa National Capital Region na umabot sa 2,267 new cases.
Sinundan ng Cebu na may 654 new cases, Laguna na may 200 new cases, Rizal na may 123 new cases, at Cavite na may 117 new cases.
Matapos namang mag-report ng mahigit 38 libong recoveries nitong Huwebes, iniulat ng DOH na may 165 na bagong naitalang nakarekober mula sa virus kahapon.
Dahil dito aabot na ngayon sa 65,178 ang kabuuang bilang ng nakarekober mula sa covid-19 sa bansa.
May 40 naman ang naitalang nasawi dahil sa virus.
Ayon sa DOH, sa 40 na nasawi, 27 ay namatay ngayong Hulyo, 2 noong Hunyo, 2 noong Mayo, 7 noong Abril at 2 noong Marso
Sa ngayon, umakyat na sa 2 023 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa covid 19.
May 83 namang inalis ang DOH mula sa kabuuang bilang ng kaso ng covid-19 na kanilang naireport kasunod ng kanilang nagpapatuloy na validation at paglilinis sa kanilang listahan. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)