Advertisers
Ni JOVI LLOZA
MARAMING nagreak na netizen nang mag-post si Angelica Panganiban sa kanyang social media nung kasagsagan ng bagyong Rolly.
Sa post ni Angelica ay tinanong nito kung wala ba raw gagawin ang matataas na opisyal ng gobyerno at matutulog na lang.
Doon na nga bumuhos ang mala-bagyong negatibong komento kay Angelica.
Laos na nga raw ang aktres at papansin lang at imbes na kumuda ay bakit daw hindi ito tumulong.
Ikinumpara pa nga si Angelica kay Angel Locsin pag nagsasalita.
Sa patamang post ni Angelica, sey nito na patirahin daw nito sa kanyang magarang bahay ang mga nawalan ng bahay at hindi hayop ang nakatuntong dito.
Resbak naman sa aktres, kung wala din lang daw itong maitutulong ay huwag na nga itong maghikayat pa ng haters sa pamahalaan.
Prangka nga raw si Angelica na wala sa lugar basta ‘mema’ lang o may masabi lang.
Napakarami pa ngang negatibong komento patungkol sa aktres sa pag-post nito ng ‘Tulog na lang’ at binaha at tila bagyo na napuno ang comment section.
Dedma naman si Angelica sa mga bira ng netizens sa kanyang pinost sa socmed.
Samantala, first time nga lang daw ginawa at gagawin ni Angelica ang animated na gawang Pinoy.
Humanga si Angelica sa mga voice actor na hindi naman pala raw ganun kadali mag-voice ng isang anime.
Nasanay kasi si Angelica na may kamera pero sa Hayop! Nimfa Dimaano Story ay ang boses ni Angelica ang ginamit bilang si Nimfa.
Aminado ang aktres na hindi pala ganun kadali ang pagiging voice actor.
Natuwa naman si Angelica na boses nito ang ginamit para sa bida na isang pusa na si Nimfa.
Sa Netflix mawa-watch ang Pinoy animated na Hayop! na malawak ang range ng mga manonood.
Bukod kay Angelica ay kasama niya sina Sam Milby at Robin Padilla sa nasabing Pinoy animated series.
Well, well, well… ‘Yun na!