Advertisers

Advertisers

PDEA AGENT timbog sa 2 kilong tsongki sa Rizal

0 365

Advertisers

DINAKIP ang isang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Authority (PDEA) nang maaktuhang nagbebenta ng droga sa Antipolo, Rizal, Linggo ng hapon.
Kinilala ang naaresto na si Florence Dolatre Jr., 45,operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit, PDEA 4-A at lokal na pulis.
Sa report ng PNP Region IV-A, isinagawa ang operasyon laban kay Dolatre sa kasagsagan ng bagyong Rolly sa Southern Luzon.
Nasamsam kay Dolatre ang nasa 2 kilo ng pinatuyong marijuana na nakabalot ng packaging tape at tinatayang P240,000 ang halaga.
Ayon sa ulat, kabilang si Dolatre sa Laguna team ng PDEA.
Nasa kustodiya ng Antipolo Police si Dolatre at isinailalim sa inquest proceedings nitong Lunes.