Advertisers
PATAY ang isang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) nang pagbabarilin nitong Martes ng umaga sa Port Area, Maynila.
Kinilala ang biktima na si Seaman Second Class (SN2) Muktar M Tahajid, nakatira sa Block 5, Barangay 650, Port Area.
Ayon sa ulat, 7:00 ng umaga nang barilin si Tahajid sa kanyang bahay. Apat na putok ng ‘di pa batid na kalibre ng baril ang tumapos sa buhay ng biktima.
Inilipat ang labi ng biktima sa mosque sa bisinidad.
Nagsasagawa na ng joint investigation ang mga kagawad ng Coast Guard Intelligence Force (CGIF), Philippine National Police – Scene of the Crime Operatives (PNP – SOCO), at Manila Police District (MPD) kaugnay sa insidente.
(Jocelyn Domenden)