Advertisers
NATAGPUAN ang isa pang bangkay ng lalaki ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa isinagawang search and retrieval operation sa Batangas matapos ang paghagupit ng super typhoon Rolly.
Kinilala ang nasawi na si Ricardo Puno.
Ayon kay PCG Spokesperson Commodore Armand Balilo, sakay ng motorsiklo ang biktima kasama ang kanyang misis nang tangayin ng flashflood sa highway ng Ibaan.
Natagpuan ang bangkay sa Barangay Tinga, Batangas habang nakaligtas ang misis nito.
Sa kabilang banda, hinahanap din ang isa pang 23-anyos na lalaki na natangay din ng flashflood.
Ang search and retrieval operations ay pinangunahan ng PCG Deployable Response Team at K9 dogs ang SAR. (Jocelyn Domenden)