Advertisers

Advertisers

P60m ismagel na yosi nasabat ng BOC sa Maynila

0 231

Advertisers

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang aabot sa P60 million halaga ng smuggled na sigarilyo sa Manila International Container Port (MICP).
Inangkat ang naturang mga kargamento ng “Ocean World Enterprises” at idineklarang naglalaman ng mga karton, furnitures at bag.
Nang isailalim sa beripikasyon, natuklasan na ang laman nito ay 500 kaha at 1,198 kahon ng smuggled cigarettes galing China.
Mahaharap sa paglabag sa Section 1113 ng Republic Act (RA) No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ang nag-angkat ng produkto. (Jocelyn Domenden)