Advertisers

Advertisers

MOTORSIKLO NA WALANG BARRIER HUHULIHIN NA

0 326

Advertisers

MAHIGPIT nang ipinagbabawal at huhuliin na ang mga hindi sumusunod sa itinakdang barrier para sa mga awtorisadong mag-angkas sa motorsiklo simula ngayong araw.
Kahapon (Hulyo 31) nagtapos ang palugit o deadline na ibinigay ng pamahalaan sa paglalagay ng itinalagang barrier sa motor-angkas.
Ayon kay Joint Task Force COVID-19 Shield Commander P/ Ltg. Guillermo Eleazar, umaasa silang makakasunod na ang lahat ng mga motor-angkas matapos ang 3 linggong palugit na ibinigay sa kanila.
Giit ni Eleazar na ipinatutupad lamang umano nila ang nakasaad sa inilabas na guidelines ng National Task Force Against COVID-19 kung saan 2 disensyo ang inaprubahan.
Una ang prototype design na iprinisinta ni Bohol Governor Arthur Yap na yari sa steel frame at plastic barrier na nakakabit sa mismong motorsiklo.
Habang ang ikalawang disenyo ng ride hailing app na Angkas Official na si George Royeca na hango sa isang backpack. (Josephine Patricio)