Advertisers
NATAWA kami nang nagbanta si Gongdi na kung hindi titigil ang batikos laban sa malditang anak na si Sara, balak niya na sumakabilang bakod at pangungunahan ang tinawag niyang “oposisyon” laban sa gobyerno ni BBM. Matindi ang tama ni Gongdi sa utak. Pagtatawanan lang siya kung aangkinin ang pagiging oposisyon sa gobyerno ni BBM.
Hindi sanay si Gongdi bilang oposisyon. Kahit minsan, hindi siya kabilang sa oposisyon. Hindi rin bagay kay Gongdi ang maging oposisyon. May ipinaglalaban ang oposisyon at may batayan ang kanilang pagsalungat sa anumang lapian na nasa poder. Mahirap paniwalaan ng oposisyon si Gongdi kung ipinaglalaban nila ay ang pagbabalik ng panukalang confidential at intelligence fund sa kanyang anak na si Sara.
Masakit na gawin tayong tanga ni Gongdi. Dahil hindi nakuha ang gusto, oposisyon na agad. Matindi ang tama sa pag-iisip ng tila nababaliw na dating pangulo. Alam natin na hindi tatanggapin ng bayan na oposisyon si Gongdi. Batid natin na pagtatawanan lang siya sa kanyang pangarap na maging oposisyon.
***
HINDI malakas ang kasalukuyang oposisyon pero nandyan sila at may sariling tinig ng pagtutol sa anman hindi magandang polisiya ng gobyerno ni BBM. Nandiyan ang Akbayan Party na pinamumunuan ni Sen. Risa Hontiveros. Hindi nalalayo ang Liberal Party sa pangunguna ni Rep. Edcel Lagman. May ambag ang Makabayan Bloc at iba pang party list group sa simulain ng demokratikong oposisyon ng bansa.
Hindi katanggap-tanggap sa kasalukuyang oposisyon na sumama si Gongdi at pamilya, o ang paksyon ng PDP-Laban sa pangunguna ni Al Cusi. Bagaman may pera dahil sa laki ng kanilang nakulimbat sa nakalipas na administrasyon, mahirap sikmurain si Gongdi bilang oposisyon. Walang matinong tao ang sang-ayon sa madugo pero bigong digmaan kontra droga na kanyang pinangunahan at ang labis na pagkiling at pagtatanggol niya sa China.
Bagahe si Gongdi bilang oposisyon. Walang kredibilidad dahil wala siyang ipinaglalaban. Wala siyang pinaninindigan na matinong simulain kundi ang pagpatay sa kapwa Filipino at pagkampi sa China. Hindi normal sa paningin ng maraming pulitiko si Gongdi. Sa tingin nila, may sayad si Gongdi at magugulo lang ang oposisyon kung makikipag-alyansa sa kanya.
***
AMININ o hindi ni Gongdi, naisahan sila ng isang malaking paksyon sa naghaharing koalisyon ni BBM. Isang malaking operasyon ang inilunsad ng grupo ni Ispiker Martin Romualdez upang tuluyang mabungi si Sara at mawalan ng lakas. Batid nila ang kahinaan ni Sara ay pera. Pinapasok siya sa patibong sa napakalaking halaga ng confidential fund. Nang kumagat si Sara, inalis ang confidential fund upang mawalan ng lakas si Sara.
Nagsumbong sa ama na ang buong akala ay nasa poder pa siya. Walang naitulong ang ama na inutil kundi magmura at magbanta. Sa huli, may problema ang ama dahil naharap lang siya sa asunto. Mukhang nakalimutan niya na wala na siyang immunity kontra demanda. Maaaring walang mangyayari sa asunto pero wala rin nagawa si Gongdi at Sara ng pagtawanan sila ng mundo. Bilang pangalawang pangulo, spare tire lang si Sara. Wala siyang poder.
Hindi sana suliranin ang sitwasyon ni Sara sa usapin ng confidential fund. Ang problema niya ay hindi naipaliwanag ng maayos kung paano gagawin ang sobra sa laking halaga. Hindi siya nakapaghanda sa malaking operasyon kontra sa kanya. Kahit ang mga itinuring niya na kaibigan at kaalyado ay sumakabilang panig. Iniwan siya sa ere upang magmukhang tanga. Alam ng paksyon ni Martin kung ano ang gagawin kay Sara.
Alam nila ang kahinaan ni Sara ay sa pera at doon siya binira ng husto. Sa huli, nagmukhang pinukpok na dalag si Sara. Sinukol sa isang sulok at ang nakakatawa, wala siyang nagawa kundi magmukmok na tila isang basang sisiw. Pinagtatawanan lang siya dahil sa kawalan niya ng kakayahan na sumabak sa national politics.
***
WALA pa sa usapan ang isyu ng habla na crimes against humanity kontra kay Duterte at mga kasapakat na naisampa sa International Criminal Court (ICC). Sa huling pagtaya, nahihinuha na susulong ang formal investigation kay Gongdi at mga kasapakat sa unang quarter ng 2024. Sa ngayon, inilatag na ang sitwasyon upang malayang makapasok sa bansa ang mga imbestigador ng ICC at siyasatin ang war on drugs ni Duterte.
May inaprubahan na resolusyon ang Kamara de Representante na humihiling sa administrasyon ni BBm na papasukin sa bansa ang mga imbestigador ng ICC. Mukhang kasama ito sa operasyon upang tuluyang pilayin ang dating pangulo at hindi na makapanggulo sa pulitika ng bansa lalo na ang 2025 midterm elections. Mahirap isipin na nangyayari ito 16 buwan na nasa poder si BBM. Dati, namamayagpag pa si Gongdi.
***
MGA PILING SALITA: “Gongdi correctly thought that Western capital would flee when he became president in 2016. Western countries disagreed with his bloody but failed war on drugs. But Gongdi wrongly thought that the Chinese capital would be a fitting alternative to the fleeing Western capital. China merely used him and took advantage of his servitude and docility. Makapili kasi siya. Taksil sa bayan.” – PL, netizen, kritiko
“Something is wrong with the father and daughter. Gongdi couldn’t accept he’s no longer in power and is powerless. Misfit Sara doesn’t know she’s only the vice president. Being the vice president, she’s only the spare tire and doesn’t hold much power. She’s not co-president with BBM.” – Archie Mendoza, netizen
“This is a policy that is long overdue. Banks and other financial institutions keep on stealing their depositors’ money by imposing unilateral measures that would systematically siphon their depositors’ money to their favor. One of these measures is the so-called “service fee” for bank deposits below the required maintaining balance. For instance, Banco de Oro unilaterally deducts a monthly fee of P300 to its favor for any bank deposit below P10,000. I have been a victim of this “service fee” scheme. It’s theft , plain and simple. Or highway robbery. Why the Monetary Board has taken so long to come out with a policy is another story. In fact, the reduction to the monthly service fee of P30 is also questionable. It should be zero.” – PL, netizen, kritiko
“Malakas lang si Duterte manindak. Nothing follows…” – Mackoy Villaroman, netizen
“I vividly remember during the early part of PNoy’s term, the left-wing forces, represented by the alphabet soup of organizations like Bayan, Bayan Muna, among others, had coined the word “noynoying” to refer to the governance style of the incumbent president. They obviously did not like PNoy; PNoy did not like them either. An air of mutual rejection or bad blood had existed between them. It is even true until today. PNoy completed his term and obviously the word did not gain traction in the public consciousness. It was hardly discussed or remembered. But as developments unfold, the word could refer to the type of activism the left-wing forces espouse.They are the ones who are now ‘noynoying,’ whatever that word means.” – PL, netizen