Nagkabukingan na… Ricci inilantad, Andrea nagpu-punta sa condo niya sa madaling araw para makipagbalikan
Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA pag-amin nina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista ay mas lalong tumindi ang pangba-bash sa una ng mga tagasuporta ni Andrea Brillantes at kaibigan nito.
Panay bash nga ni Bea Borres,friend ni Andrea at pinalagan nga ito ni Ricci na mas pinag-usapan pa ang lovelife
Wag nga raw makialam ang friend ni Andrea at wala itong alam.
May hawak nga raw na alas si Ricci na baka isiwalat nito.
Ayaw nga tantanan ng mga tagasuporta at kaibigan ni Andrea ang binata sa pamba-bash dahil sa pag-amin nito sa relasyon nila ni Leren.
Itinanggi kasi dati ni Ricci na may namamagitan sa kanila ni Leren.
At dahil pikon na ay isiniwalat na nga nito na nagpupunta ng madaling araw sa condo ni Ricci si Andrea para sila magkabalikan.
Ayaw na raw ng basketbolistang si Ricci at napilitan lang siya dahil sa pamba-bash ng kampo ni Andrea.
***
JODI NGATOG PA RIN SA LAPLAPAN KAY JOSHUA
SA tagal na nga raw sa showbiz ni Jodi Sta. Maria ay ngayon lang ito nakadama ng ganun na pakiramdam.
Pagbabahagi ito ng aktres nang masalang sa FT ni Boy Abunda.
Kailangan daw gawin itong passionate dahil need sa story.
Pero talaga nga raw nakadama ito ng matinding kaba at nerbiyos.
Ang tinutukoy ni Jodi ay ang pakikipaglaplapan niya kay Joshua Garcia.
Kaya raw unforgetable para kay Jodi ang paghigop sa kanya ni Joshua sa isang eksena sa serye.
Natatawa na nga lang si Jodi at ‘di ito maka-move on sa kaba sa nasabing scene nila ni Joshua.
Well, well, well…Yun na!