Advertisers
Ni BETH GELENA
AYON kay Dimples Romana, aware na raw si Angel Locsin sa mga taong gusto na siyang makita.
Natanong kasi si Dimples kung kelan babalik sa showbiz si Angel.
Nabanggit ng aktres na binisita niya si Angel sa house nito sa Metro Manila.
Na-mention ni Dimples kung ano na ang kaganapan ni Angel sa buhay ngayong nawawala siya sa showbiz circulation.
Pagbubulgar ni Dimples, “Ikinatutuwa ni Angel na hinahanap pa rin siya ng mga tao kahit naka-break siya ngayon at matagal nang hindi nagpapakita sa publiko.”
Matagal-tagal na ring hindi nagpaparamdam sa showbiz at hindi na rin siya aktibo sa kanyamg social media.
Alam daw ng aktres na hinahanap siya ng mga tao at ikinatutuwa niya ito.
Binisita ni Dimples ang kaibigan kamakailan lang at kinumpirma nyang nasa Metro Manila pa rin daw ang real Darna ng Pilipinas.
Nakakainggit nga raw ang sitwasyon ni Angel dahil may kakayahan itong magpahinga muna.
Esplika ni Dimples, “Kasi ang saya, di ba? Don’t we all love that na parang, ‘Grabe, huwag na muna akong mag-social media, tapos dito muna ako.’
“Di ba, ang saya, e. Kung may ganon din naman akong luxury, bakit naman hindi?
“Kaya lang, mahal ang paglipad ni Ate sa Australia,” pagtukoy ni Dimples sa kanyang panganay na nag-aaral sa Australia.
Babalik pa ba si Angel sa showbiz?
“No, I don’t know,” ani Dimples. “Parang it’s not something I wanna ask of her also, because I see she’s so happy.”
***
REGINE AT OGIE FEELING BAGETS SA THE CORRS
CONCERT
ENJOY ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid nang manood sa concert ng The Corrs.
Sa post ni Ogie, sinabi niyang unforgettable night daw sa kanya ang gabing yun dahil sa The Corrs concert.
“What an unforgettable evening of Fantastic music! We love you #thecorrs Thank you @annecurtissmith for this!! We are so young and we felt it!!!”
***
ANGGE AT GREGG TINUTURUAN SI BEAN NG TAMANG PANLASA SA PAGKAIN
SA edad isang taon ng anak nina Angelica Panganiban at Gregg Homan na si Baby Bean ay tinuturuan na nila ito ng di dapat kainin.
Sa official IG channel ng engaged couple, isang cute video ni Baby Bean ang naka-upload kung saan tinuturuan nila si little girl ng difference between what food is and what is not.
“It is very common to see babies putting grass, dry leaves or anything they touch to put on their mouth because they’re exploring and excited about it. That’s why it is very important for us parents, to introduce various textures in feeding our little one. This also grow interest in actual food and prevent from ingestion of non-food items,” anila sa caption.