Advertisers
INANUNSYO ng Commission on Elections (Comelec) na maaari nang agad umupo ang mga mananalong kandidato sa BSKE 2023, at gampanan ang kanilang tungkulin.
Batay sa apat na pahinang liham na ipinadala ng COMELEC sa Department of Interior and Local Government (DILG), sinabi ni Comelec – Law Department head Maria Norina Casingal na ito ay batay sa naging ruling kamakailan ng Korte Suprema na inilabas noong 27, 2023.
Paliwanag ni Casinga, batay sa desisyon ng Korte Suprema sa constitutionality ng Republic Act No. 11935, o ang batas na nagpo-postpone sa December 2022 BSKE, nakasaad dito na ang mga kasalukuyang nakaupong opisyal sa Brgy at SK ay magpapatuloy sa kanilang pag-upo hanggang sa mahalal na ang mga papalit sa kanila.
Kung ibabase dito, ayon kay Caringal, ang mga kandidatong makakakuha ng pinakamataas na boto sa October 30, na kinalaunan ay naproklama at nanumpa, ay maaari nang kaagad gampanan ang kanilang posisyon.
Gayunpaman, sinabi rin ng COMELEC official na kailangan pa ring makapag-comply ang mga nanalong kandidato sa ilang mga requirements na kinabibilangan ng paghahain ng kanilang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) bago sila tuluyang uupo.
Sa kasalukuyan, sinabi ng opisyal na magpapatuloy pa ring maupo ang mga kasalukuyang kandidato, hangga’t wala pang nangyayaring opisyal na palitan.