Advertisers

Advertisers

1.1-M PAMILYA NA TINANGGAL SA 4PS IBINALIK NA!

0 7

Advertisers

IBINALIK na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang humigit-kumulang 1.1 milyong pamilya na dating miyembro ng 4Ps ngunit tinanggal dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Ito ang kinumpirma ni DSWD Secretary Rex Gatchalian kasabay ng pagtitiyak na makakatanggap na ang mga ito ng kanilang benepisyo sa ilalim ng naturang programa.

Ayon kay Gatchalian, sumailalim muli sa mga assesment ang mga naturang pamilya at natukoy ang pangangailangan na sila ay maibalik sa naturang social protection program ng pamahalaan.



Isa sa mga naging dahilan, aniya, ay ang pagbabago ng buhay ng maraming Pinoy dahil sa nagdaang pandemiya.

Tinitiyak ng kalihim na magpapatuloy parin ang ginagawang assestment ng DSWD sa pamamagitan ng 4Ps-National Program Management Office nito, upang matukoy ang mga nararapat at kwalipikadong makinabang sa ilalim ng 4Ps program ng pamahalaan.

Nagbigay-garantiya rin ang kalihim na magpapatuloy ang kanilang kampanya para matugunan ang kahirapan sa buong bansa.

Bago umupo si Gatchalian, nauna nang ipinag-utos ng DSWD management sa ilalim ni dating Secretary Erwin Tulfo ang malawakang pag-review sa mga miyembro ng 4ps, para matanggal ang mga hindi na kwalipikado sa naturang programa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">