Maynila, humakot ng awards sa 18th Pearl Awards ng DOT
Advertisers
NAGPAHAYAG ng labis na kasiyahan si Mayor Honey Lacuna matapos na muling maghakot ng karangalan ang kabisera ng bansa sa kanilang pagtataguyod ng turismo.
Pinasalamatan ng alkalde ang Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) sa pamumuno ng direktor nitong si Charlie Dungo, pati na ang mga kawani ng DTCAM sa kanilang mahusay na trabaho.
Ayon kay Lacuna, ang lungsod sa pamamagitan ng DTCAM, ay humakot ng limang awards sa katatapos na 18th Pearl Awards ng Department of Tourism – Philippines at ng Association of Tourism Officers of the Philippines (ATOP) na ginawa sa Boracay Newcoast Hotel, Malay, Aklan nitong nakaraang October 5.
Nakopo ng DTCAM ang mga sumusunod na karangalan: Grand Winner- Best Tourism Promotions Award: Brochure – City for the “Timeless Treasures: Discover the Manila Clock Tower Museum Brochure”; Grand Winner— Best Tourism Event: Religious Festival – City for “Traslacion 2022: A Transformative Religious Event”; first runner up –Best Tourism Week or Monthly Celebration Award – City for “Tourism Reboot: Creating Opportunities for Manila; second runner up— Best Tourism Promotions Video Awards – City for “Anak ng Maynila at certificate of recognition matapos na ang city of Manila ay maging finalist sa the Best Oriented Local Government Unit Award- City Category.
Pinasalamatan ni Lacuna award-giving body sa pagkilala at sinabing: “the awards will serve as an inspiration for her and the city officials concerned to strive more and do even better in the years to come.”
Idinagdag pa niya na : “The awards are a validation that the city of Manila is doing the right thing in promoting tourism and exerting all-out efforts to attract tourists, both local and international.”
Pinuri din ng alkalde ang mga kawani at liderato ng DTCAM, lalo na ang hepe nito na si Dungo, na ayon sa kanya ay sobra-sobra ang pagtatrabaho upang ang kanyang mga plano at programa tungo sa “Magnificent Manila” ay magkaroon ng katuparan sa lalong madaling panahon.
Si Dungo, na siya ring hepe ng Association of Tourism Officers – National Capital Region, ay nagpasalamat sa ATOP-DOT dahil sa mga karangalang iginawad sa Maynila at lalo na kay Lacuna, na ayon sa kanya ay all-out ang suporta kaya naman nagiging madali ang kanilang trabaho, pati na rin sa implementasyon ng mga plano at proyekto para sa turismo. (ANDI GARCIA)