Advertisers
MAY mabuting bunga ang mga paglalakbay ni BBM sa ibang bansa sa unang 15 buwan niya sa poder. Ayon sa Malacanang, may nakalap na P427 bilyon na dayuhang puhunan mula sa pagbisita niya sa ibang bansa. Malaking bahagi ng datos ay mapupunta sa mga proyekto sa renewable energy sector.
“Natutuwa tayo at nasabi natin (kay President Marcos) na iyong kaniyang mga presidential visits have been resulting to actual investment registrations and approvals doon po sa ating mga investment promotion agencies,” ani Trade Undersecretary Ceferino Rodolfo sa isang press briefing sa Malacanang noong Martes. “Natutuwa tayo at binanggit sa ating mahal na Pangulo na from January to September of this year, ang investment approvals po ng BOI ay umaabot na sa P734 bilyon. Kung ikukumpara po ito noong January to September of 2022, umabot lang po tayo noon ng 362 billion pesos or an increase of 102 percent.”
Hindi kasama dito, ani Rodolfo sa isang hiwalay na panayam, ang umabot sa P131 bilyon na puhunan sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na naaprubahan mula Enero hanggang Oktubre 2023. Kinakatawan nito ang paglago ng 232.45% mula sa P39.632 bilyon puhunan na aprubahan sa parehong panahon ng nakaraang taon.
Ayon kay Rodolfo, maituturing ang puhunan na pumasok sa PEZA investments bilang direktang resulta ng pagbisita ni BBM sa Japan, China at Estados Unidos na pinuntahan ng Pangulo noong nakaraang at ngayong taon. Sinabi ni Rodolfo sa kanyang briefing sa Pangulo na napunta ang abot sa 80% ng total foreign direct investment (FDI) sa Board of Investments (BOI). Sinabi ni Rodolfo kay BBM na mula Enero hanggang Setyembre ng nagyon taon ay mga BOI’’s investment approvals na abot sa P734 bilyon kung ikukumpara saP362 bilyon na na naitala mula Enero hanggang Setyembre, o paglago ng 102%.
BOI’s total approved foreign investment registrations of P427 billion represents a 150 percent increase compared to last year’s record. Local reforms and preparation done by the government prior to those visits are also vital to the investments, according to Rodolfo.
For instance in November last year, the policy initiatives carried out by the administration was the removal of the foreign equity restrictions on renewable energy projects and the President’s hosting of various leaders who visited the country. “Napakalaking bagay noon kasi makikita ninyo ngayon iyong resulta noong mga pumapasok sa atin, madami doon sa binanggit kong 427 billion pesos worth of foreign projects are actually in the renewable energy sector; tapos marami doon nanggagaling sa Europe,” Rodolfo said of the renewable energy reform.
“Tapos, hindi lang iyong visit na iyon mismo pero pati iyong mga pagtanggap ni Presidente sa mga bisita na nanggagaling sa ibang bansa. Pumunta ho dito iyong European Council President, si Madam Ursula Von der Leyen tapos napakaganda noong mga naging mensahe doon including the resumption of our FTA (Free Trade Agreements) negotiations with the EU.” Aside from increased foreign investments and registrations, non-investing countries have noticed the Philippines and started considering putting their money in the country, Rodolfo said. “Tapos, doon sa mga bansa na typically hindi natin nakita in the past years to have been investing in the Philippines – ito iyong mga pumapasok and ito rin kasama dito iyong mga bansang pinuntahan ni Presidente,” he said.
***
SA tunggalian ng armadong pwersa ng militanteng grupo ng Hamas sa Israel, hindi namin maalis ang aming simpatiya sa Israel. Nang humagip ang sypertyphoon “Yolanda” noong 2014 at walisin ang Tacloban City sa mapa, hindi nag-atubili ang Israel na ipadala ang ilang medical team upang tulungan ang mga biktima. Saksi kami sa pagtulong ng Israel upang makabangon ang Leyte sa pakasalanta na dala ng Yolanda sa bansa. Kasama kami sa isang medical team na kagyat na dumalo sa nasalanta ng Yolanda sa Tacloban City.
Isa ang Israel sa mga bansang nagbigay ng tulong medikal sa Filipinas nang salantahin ng Yolanda. Isa sila sa pinakamasigasig at pinakamasipag upang tulungan ang ating mga kababayan na nasalanta ng bago. Nang kausapin namin ang mga Israeli doctor, nagkakaisa silang nagsabi na hindi nila nakakalimutan ang tulong na ibinigay ng gobyerno ni Manuel Quezon noong panahon na pinahihirapan sila ni Adolf Hitler sa Nazi Germany noong panahon ng digmaan. Ang ibig sabihin: tumatanaw sila ng utang na loob na ginawa ng ating gobyerno sa panahon na walang bansa ang ibig tumanggap sa kanila.
Nagbigay si Quezon ng 10,000 visa para sa mga Hudyo noong panahon na iyon. Dumating sa bansa ang abot sa 1,200 Hudyo mula sa mga visa na ibinigay ni Quezon. Hindi na nakarating ang iba dahil hinuli na sila ni Hitler at ipinapatay sa iba’t ibang interment camp na itinayo upang puksain sila bilang isang lahi. Ito ang mga panahon na wala pa ang bansang Israel at kumalat ang mga Hudyo sa iba’t ibang bansa lalo na sa Europa. Nabuhay ang mga Hudyo na dumating sa Filipinas ng maayos. Nakaraos sila at marami ang pumunta sa Amerika pagkatapos ng digmaan.
Mahal natin ang mga Hudyo at mahal din tayo ng mga Hudyo, sa totoo lang. Isa kami sa mga nalulungkot sa nangyaring atake ng Hamas sa Israel. Kasama kami sa mga nanalangin na sana malampasan ng mga Hudyo ang pagsubok sa kanila. Nagtitiwala kami sa kakayahan ng Israel na tumabla sa Hamas at pigilan ang mga atake sa susunod na panahon.
Samantala, magkatuwang ang Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers
upang ilikas at iuwi ang mga OFW na gustong umuwi sa bansa dahil sa digmaan. Umabot sa 16 na OFW ang unang batch na umuwi ng bansa. Magpapalamig sila dito habang may digmaan doon. May mga susunod na batch ng mga OFW, ayon sa DFA at DMW. Hindi nakakalimutan ang mga OFW dahil kasama sila sa sektor na malakas kumite upang tulungan ang bansa. Aabot sa halos $100 bilyon ang kanilang ibinigay taon-taon kasama ang sektor ng BPO sa bansa.
***
“SILA ang iskuwater,” ito ang madiin na sagot ni DND Secretary Gibo Teodoro sa pahayag ng tsina na illegal ang pag-okupa ng Filipinas sa isla ng Pag-asa sa Palawan. Nasa loob ng exclusive economic zone ng Filipinas ang Pag-asa, ani Gibo at atin ito. Maaaring humingi ng visa ang mga Intsik at bibigyan natin sila ng VIP visa, ani Gibo na pabirong nagsalita tungkol sa pangangamkam ng Tsina sa Pag-asa.
Nagulat si Gibo sa pahayag ng Tsina at mas nagulat siya nang banggitin ang bagong pangalan ng Intsik sa islan. Hindi na namin sasabihin ang pangalan na Intsik at baka sumikat lang. Pero tiyak na hindi magugustuhan ng mga Intsik ang kanyang tugon dahil mas sanay sila sa hindi makabuluhang salita ni Gongdi na sa paniwala ng mga Intsik ay bata nila at utusan.
***
MGA SALITANG DAPAT TANDAAN: “Fake news hardly sell anymore. Thanks to the unflagging vigilance of many netizens. Thanks to the efforts of mainstream legitimate mass media outfits to perform fact checks to determine the basis and veracity of controversial public statements the top political leaders make and the attacks they issue against critics. Conducting fact checks is an important facet of the collective efforts to combat the proliferation and dissemination of the spate of fake news.” – PL, netizen, kritiko
“The high and mighty has fallen. For the first time in their tyrannical lives, the Dutertes are facing scrutiny and accountability.” – Joel Cochico, netizen, critic
***
Email:bootsfra@yahoo.com