Advertisers
MULING nagpasalamat si Pangulo Ferdinand Marcos Jr. sa tapat na serbisyo ni dating Presidential Security Group (PSG) Commander Brig. Gen. Demy Zagala sa kanya, sa unang pamilya at sa sambayanang Pilipino.
Sa ceremonial change of command sa Malacañang, isinalin ni Zagala ang kapangyarihan kay Brig. Gen. Jesus Nelson Morales bilang bagong hepe ng PSG.
Sa kanyang talumpati, sinabi naman ng pangulo na sa ilalim ng mahusay na pamumuno ni Zagala ay pinanatili nitong ligtas ang unang pamilya at inilayo siya at ang mga bisitang dayuhan sa anumang seryosong panganib sa seguridad.
Kinilala rin ni Pangulong Marcos ang mga ambag ni Zagala sa pagpapaganda ng PSG bilang isa sa pinakamahusay na tagapagtanggol ng bansa, sa matagumpay na pagbibigay seguridad sa halos limang daang presidential events sa Pilipinas at sa ibang bansa, sa pagpapatupad ng mga programa ng pagsasanay sa 545 na kawani ng ahensya, at iba pa.
Mula sa PSG, umupo naman si Zagala bilang bagong commander ng Civil Relations Service ng Armed Forces of the Philippines (AFP). (Gilbert Perdez)