Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
VERY vocal si Jane de Leon sa pagsasabi na ultimate showbiz crush niya si Paulo Avelino. Kaya naman gusto niyang makatrabaho ang aktor.
Sabi ni Jane, “Ito po kasi talaga, muntik na muntik ko na siyang makatrabaho. Crush ko kasi talaga si Paulo Avelino. Alam niya ‘yon.
“Kasi given na ‘yung may looks siya, kaya ko siya nagustuhan kasi napakagaling niyang artista.
‘Yun ‘yung reason kung bakit gusto ko rin siyang makatrabaho. Hindi lang porke crush ko siya, siyempre hinahangaan, magaling kasi siyang artista.
“Parang kinakain ako ng upuan. Ahhh, Jane, trabaho lang,” napapangiting sabi pa ng dalaga.
Samantala, naibahagi rin ni Jane ang kanyang dream role, “Marami. Siyempre hindi naman matatapos lahat sa Darna. Sinasabi ko nga kay Lord, baka ito pa lang ang umpisa, ganyan. Marami, eh.
“Alam mo ‘yung ‘Split,’ ‘yung iba-iba ‘yung mga personality. I want to try that gusto ko ma-challenge ang sarili ko.
“Then other than gusto ko rin makapapag-explore out of the country kasi I really love my craft so much.
“Pumasok naman ako rito not just for the fame or for money but of course I really love my craft,” sabi pa ng aktres.
At sa tanong kung ano ang expectation niya sa kanyang buhay at career five years from now, “A successful lady, ‘yun talaga. But siyempre may plan din si Lord for me. So no matter what kung ano man ‘yon, alam ko na may ibibigay Siya sa aking lesson to grow,” paliwanag ni Jane.
***
PARA kay Cristy Fermin, hindi na dapat pumapatol sa mga bashers at trolls si Sharon Cuneta.
Ito’y matapos ngang banatan ng Megastar ang isang netizen na nambasag sa kanyang Instagram post patungkol sa panganay niyang anak na si KC Concepcion.
“Hindi na naman niya nakontrol ang kanyang sarili. Kasi bilang isang pampublikong personalidad ang mga artista, kailangan ang mga fans,” sabi ni Cristy sa online show nila na Showbiz Now Na!
“Kailangan ang ating mga kababayan. Hindi dapat sila nagsasalita ng hindi namin kayo kailangan,” aniya pa.
Sey naman ng co-host ni Cristy na si Wendel, “Kailangan talaga maghinahon si Sharon muna sa mga sagot niya at hayaan na lang niya ‘yung mga basher doon kung ano man ang sasabihin ng mga basher.”
Sey pa ni Cristy, isang public figure si Sharon at sikat na personalidad sa mundo ng showbiz kaya natural lang na makatanggap siya ng mga pang-ookray at panlalait.