Advertisers

Advertisers

PAYMAYA ID walang laman

0 255

Advertisers

Ang mga senior citizen pinaasa lang ni MAYOR ISKO MORENO. NAGBIGAY NG PAYMAYA ID WALA NAMANG LAMAN. NAGKASUNDO KAMI SAULI NA LAMANG AT UTANG NA LOOB PA SA KANYA. NILOLOKO NA LAMANG ANG MGA SENIOR CITIZEN. KAWAWANG SENIORS, NGANGA NA LAMANG AT NAMUMUTI PA ANG MATA. SA TULONG DAW NG OSCA, PANGAKO SUBALIT NAPAKO NA MARAMING BUWAN NA ANG NAKALIPAS. WALANG PAKINABANG ANG ID NG PAYMAYA. SAULI NA. – SENIOR NG TONDO

Presidente Duterte magpaka-sinsero kayo vs korapsyon
P-Duterte, kung TOTOONG SINSERO PO KAYO LINISIN ANG KORAPSIYON AT MAGING LEGACY NIYO NA MALINIS NA GOBIERNO?
SAGOT:
Ipagpahinga niyo na po si Ombudsman uncle Sam Martires makupad na’t ma-epal pa. Ano accomplishments niya? Wala, nada!
TIME IS GOLD!
Justice delayed, is Justice denied.
*Irekomenda ko po si PAO-CHIEF PERSIDA ACOSTA ang ilagay niyo sa Ombudsman at baka 5 beses o mas HIGIT PA na mas mabilis siya kumilos at makadami ng TRABAHONG-TAPAT ANG RESULTA!
*Ganun talaga,
Kapag gusto, ay meron paraan.
At kapag ayaw, ay maraming dahilan.

Building administrator nangingikil sa vendors sa Maynila
Ipinaaalam namin kay Mayor Isko Moreno ang pangongolekta ng tarya ng isang building administration sa mga night time vendors ng Sampaguita Shopping Center na nasa kanto ng Juan Luna at CM Recto, Tondo side. May hoodlum siyang ginagamit na si alyas “Rambo” na nangha-harass sa mga manininda sa gabi. Akala yata ng building administrator na pag-aari nila pati ang bangketa kaya naniningil sila sa mga vendor na hinihinala pa hindi naman totoong ipinapasok lahat sa totoong may-ari ng gusali. Kumbaga, solo at pailalim na diskarte ni administrator para matustusan ang bisyo niya sa droga. Sana ay mga taga-Hawkers nalang ng Manila City Hall ang mamahala sa vendors ng bangketa. May puso sila at malasakit, di tulad ni building administrator na nang-aagaw pa ng puesto ng mga pobreng vendors, Pls help us Yorme. – SSC vendors



Para sa kapitan ng Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal
Nais ko iparating sa aming mayor at kapitan na dito po sa Bathala labas, Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal, ginagawa pong laruan ng mga batang edad tatlong taon at lima ang karsada na lubhang delikado, hindi naman sinasaway ng mga magulang. Pati mga aso nanghahabol at wala silang pakialam kung may sasakyan. Galit pa sila. Sana po makarating sa mga kinauukulan. Salamat po. – Concerned citizen