Advocacy Ni Kuya Boy Abunda Gumawa Ng Mabuti Kahit Isang Araw Lang; Christian Bables Pang-MMFF At May Box Office Appeal
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
MARAMING nagre-respond sa adbokasiya ng “Asia’s King of Talk” at host ng Fast Talk With Boy Abunda sa panawagan o hikayat sa bawat isa, na gumawa ng mabuti, kahit isang araw lang.
Makikitang dini-discuss ni Kuya Boy ang advocacy na “JUST ONE, ISA LANG” sa kanyang FB Page na meron ng mahigit 1.3 million followers and still counting at sa IG ng sikat na GMA-7 host. And infairness to Kuya Boy ay talagang authority siya sa nasabing adbokasiya dahil sa totoong buhay ay likas siyang mabait at matulungin. At tumutulong siya nang walang hinihintay na anumang kapalit and he helps and then he forgets.
Yes, in short ay patuloy ang paggawa niya ng mabuti sa kapwa. May pakontes pala si Kuya Boy sa kanyang Just One, Isa Lang sa Instagram. Ang sampung mapipiling winners na maganda at inspiring ang mga kwento sa ginawa nilang mabuti ay makatatanggap ang bawat isa ng worth P2K na Grocery Gift Certificates.
By the way, pasok pa rin sa Top Ten, Top Rating Shows ng GMA-7 ang Fast Talk With Boy Abunda. Mapapanood ito weekdays from 4:45 PM to 5:10 PM.
***
FROM his blockbuster movies Panti Sisters, Mahal Kita Beksman, etc, this December 25 sa Metro Manila Film Festival 2023 ay isang kwelang LGBTQ comedy movie na naman ang pagbibidahan ni Christian Bables na “BROKEN HEARTS TRIP.”
Yes, pang MMFF talaga ang appeal ni Christian na waging Best Actor sa MMFF 2021 para sa movie na BIG NIGHT. And this time dito sa Broken Hearts Trip ay muling ipakikita ni Christian ang husay sa pagganap ng gay role, na unang ipinakita sa “DIE BEAUTIFUL” kung saan support siya ng bidang si Paolo Ballesteros. Kasama ni Christian sa latest MMFF movie sina Andoy Ranay, Teejay Marquez, Marvin Yap, Petite, Iyah Mina at ang first Pinay Cannes Best Actress Ms. Jaclyn Jose sa direksyon ni Lemuel C. Lorca. This is produced by BMC Films in partnership with SMART FILMS.
Ang kwento nito ay iikot sa limang LGBTQ individuals na pare-parehong broken hearted, na binigyan ng chance na mapuntahan ang magagandang lugar na sa huli ay may katumbas na premyong 1 million pesos. Can they still be single and prove to everyone that their lives will still go on? Or will their hearts open up to loving once more?
Ang Broken Hearts Trip ay original story ni Lex Bonife, screenplay by Archie del Mundo, Meg Bryan Bermudez (associate producer), Marvin Reyes (director of photography) and Pacoh Caperiña Bantoc (line producer).
Supervising producer of the said film is Maria Cristina Linaban-Tobias, producers are Benjie M. Cabrera and Omar Tolentino, executive producers are Benjie M. Cabrera, Omar Tolentino and Power Up Workpool Inc. Samantalang parte rin ng cast ang mga sumusunod, Jay Gonzaga, Ron Angeles, Argel Saycon, Tart Carlos, Arnold Reyes, Kevin Posadas at Sinon Loresca. Sama-sama nating panoorin ang Philippines’ first LOVE GAME SHOW in a movie ngayong Disyembre 25 na sa cinemas nationwide.