Implementasyon ng anti-money laundering, counter-terrorism financing strategy pinamamadali ni Marcos
Advertisers
PINAMAMADALI na ng Malacañang ang implementasyon ng National Anti-Money Laundering, Counter-Terrorism Financing and Counter-Proliferation Financing Strategy (NACS) 2023-2027.
Batay sa Memorandum Circular (MC) No. 37 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, inatasan nito ang lahat ng concerned agencies na suportahan ang kampanya laban sa money laundering at terrorism financing risk assessment.
“In accordance with their respective mandate, all concerned departments, agencies, bureaus, and instrumentalities of the National Government, including government-owned or –controlled corporations (GOCCs) are directed, and all the local government units (LGUs) are encouraged, to immediately and timely formulate and implement relevant strategies, plans and programs to implement NACS 2023-2027 [National AML/TF/CPF Strategy], particularly its Strategic Objective No. 1,” ayon sa memo.
Kasabay nito, inatasan naman ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) na magsumite sa Office of the Executive Secretary (OES), sa pamamagitan ng Office of the Deputy Executive Secretary for Legal Affairs, ng isang comprehensive report hinggil sa status ng implementrasyon ng NACS 2023-2027, partikular ang Strategic Objective 1, bago o sa December 8, 2023.
Ang AMLC ang magsisilbing lead agency ng ML/TF NRA Working Group, bubuo at mag-iisyu ng guidelines para sa epektibong pagpapatupad ng circular. (Vanz Fernandez/Gilbert Perdez)