Advertisers
Ni NONIE V. NICASIO
ANIMO isang eksena sa kanilang top rating teleseryeng Prima Donnas sa GMA-7 ang naganap sa mag-BFF na sina na Angelika Santiago at Elijah Alejo nang nag-away at nagsigawan ang dalawa.
Ang ugat nito ay dahil sa isang prank na ginawa ni Angelika kay Elijah. Habang natutulog si Eli (nickname ni Elijah) sa kanilang sofa ay twice siyang binuhusan ng arina sa mukha ni Angelika, kaya ito nagising at nagulat.
Ang dalawang teen actress ay sobrang close talaga kaya nabigla ang parents ni Angelika, pati na mga auntie niya nang nagsigawan at nag-away ang dalawang bagets.
Lumapit na nga ang mother ni Angelika na si Mrs. Bhing para pag-ayusin ang dalawa, pero tuloy pa rin sila sa bangayan.
Habang nangyayari ito ay sobrang natensiyon ang auntie ni Angelika na noong una ay nakamasid lang sa dalawa. Pero nang biglang tumindi na ang sigawan nina Eli at Angelika ay nilapitan niya ang dalawa at sinaway, pero hindi nagpaawat ang dalawang Kapuso teen actress.
Pero sa totoo lang, ang lahat ay talagang isang prank lang, pero ang biktima ay ang auntie ni Angelika. In short, magkasabwat sa kalokohan at panggu-goodtime sina Angelika at Elijah!
Kaya nang ibinuking na ng dalawang bagets eventually na prank lang ang lahat, tawanan sila nang tawanan. Magkayakap pa sina Eli at Angelika na nagtatawanan habang tila na-shock ang kanyang tita, ngunit nakangiti naman ito.
At bago natapos ang naturang vlog ni Angelika, nagtatawanan na silang lahat-pati ang auntie niya at nagyakapan pa sila.
Inesplika sa amin ni Angelika kung gaano sila ka-close sa kanilang pamilya at naisipan nilang i-prank ang kanyang auntie.
“Super (close) po! Lahat po kami sa family po halos mga Ilongga and Ilonggos po. Alam nyo naman po kapag mga Ilongga, malalambing po kaya kahit ano pong gawing prank ay hindi po sila magagalit.
“’Tsaka po close po talaga ang family ko sa co-stars ko sa Prima Donnas, kasi first teleserye ko po ito,” nakangiting saad pa ng magandang dalagita.
Kasabwat nila ang mom at dad ni Angelika, kaya inusisa namin kung ano ang reaction ng parents niya nang sabihin niya ang planong prank?
Tumawa muna si Angelika bago sumagot, “Actually si papa nagdadalawang isip, kasi po parang matatawa lang siya, na baka raw po mag-fail ang prank namin. Kaya natuwa lang po si mama, ‘tsaka si papa sa nangyari, hahaha!”
Ano ang plano nila ni Eli na next na i-vlog? “Super dami po talagang pranks na plano namin, kaso bawal nga po kaming lumabas dahil sa pandemic,” aniya pa.
Ano ang dapat gawin ng gustong mag-subscribe sa kanyang vlog?
Tugon ni Angelika, “Sa mga gusto pong mag-subscribe, click this link lang po https://www.youtube.com/channel/UCNVq5GpsKV74wHySprVCr0A.”