Advertisers
HINDI na umabot pa ng buhay sa ospital ang isang babae nang pagbabarilin ng kanyang bayaw sa Barangay Santiago, Old Nabua, Camarines Sur.
Kinilala ang biktima na si Vivian Nazareth ng nasabing barangay; at ang salarin ay si Santos Nazareth, bayaw ng biktima.
Sa ulat, dati nang may hindi pagkakaunawaan ang dalawa. Nitong Linggo ng umaga muling nagkainitan ang dalawa na humantong sa pamamalo ng biktima sa bayaw.
Umalis ang bayaw at umuwi naman ang biktima sa kanyang bahay. Ngunit bumalik si Santos na may dalang baril at doon na pinasok ang hipag sa bahay nito.
Nagawa pang magtago ng biktima sa kwarto ngunit, sinundan ito ng bayaw at pinutukan ang door knob ng kuwarto, at nang makapasok ay pinagbabaril ang hipag.
Sumuko naman si Santos sa mga otoridad at inamin ang krimen.(PFT team)