Advertisers

Advertisers

Tapyasan ng pondo ang kulimbat na gov’t. agency

0 328

Advertisers

UNA, binabati ko ang mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BoC-NAIA) at ang NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) sa sunud-sunod na pagkakasabat nila sa malalaking bulto ng mga iligal na droga sa airport.

Ang latest na huli ng mga operatiba ni PDEA Director Wilkins Villanueva at Customs Commissioner “Jagger” Guerrero ay ang P1.6 billion halaga ng shabu sa Cabana-tuan City.

Ang naturang kontrabando ay mula sa Malaysia at ipinasok sa ating pambansang paliparan sa Pasay City.



Natunugan ang malaking bulto ng shabu nang masilip ito sa X-ray at sumailalim sa 100 percent physical examination.

Upang masakote ang consignee ng nakakabuang na gamot, inilagay ito sa ‘controlled delivery’. Inihatid ang droga sa Cabanatuan City, kungsaan kaagad itong tinanggap ng dalawang Chinese nationals. Boom! Arestado ang mga demonyong Tsekwa na sumisira sa ating mga kababayan.

Kung hindi nasabat ang kontrabandong ito, tiyak ilang libong kababayan na naman natin ang masisira ang utak at ilang karumal-dumal na krimen ang maitatala. Mismo!

Again, congratulations PDEA at BoC. Keep it up, mga ‘Ma’am/Sir! Wag kayong padadala sa kinang ng salapi ng sindikato sa iligal na droga.

Dapat nga sunugin agad ang bilyones na halagang ito ng shabu bago pa ma-recycle ng ilang tiwali dyan sa PDEA. Mismo!



***

MAY punto si Representative Eric Go-Yap ng ACT-CIS Party-list na dapat tapyasan ng pondo ang mga ahensiya ng gobyerno tadtad ng korapsyon.

Eh ano-anong ahensiya ba itong mga notoryos sa ko-rapsyon? Banggitin natin ang PhilHealth na nasa ilalim ng Department of Health (DoH) na pinamumunuan ni Secretary Francisco Duque, Department of Public Works and Highways (DPWH) headed by Sec. Mark Villar, Bureau of Immigration (BI) na pinaghaharian ni Jaime Morente na nasa ilalim ng Department of Justice (DoJ) ni Sec. Menardo Gueverra at itong BoC na nasa ilalim naman ng Department of Finance (DoF) ni Sec. Carlos Dominguez.

Ang problema rito, paano mo tatapyasan ng pondo ang mga ahensiyang ito eh mga pangunahing departamento ito na naghahatid ng serbisyo sa mga mamamayan? Unang maaapektuhan dito ang taong bayan at developments.

Sigurado, sa halip na tapyasan ang pondo ng mga ahensiyang ito, higpitan nalang ang paglalabas ng pondo, ga-wing transparent ang lahat ng transaksiyon tulad ng procurements at bidding. Higit sa lahat, usisaing mabuti kung napatupad ng maayos ang proyekto. Mismo!!!

***

Nobyembre na! 11 months nalang at magsusumite na ng certificate of candidacy ang mga kakasa sa 2022 presidential election.

Ang maliwanag na manok ng oposisyon ay si Vice President Leni Robredo.

Sa administrasyon, magulo pa yata ang isip ni Pangulong Rody Duterte kung sino ang kanyang isasabong, ang sure win ika nga para papalit sa kanyang puwesto. Dalawa ang kanyang pinagpipilian, ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio o ang kanyang loyal aid na si Sen. Bong Go, o tataya nalang siya kay Bongbong Marcos, Sen. Manny Pacquiao o Sen. Cynthia Villar. Abangan!