Advertisers

Advertisers

Sekyu nagbibisikleta nabangga ng bus, patay

0 237

Advertisers

NASAWI ang isang security guard nang masagasaan ng pampasaherong bus habang sakay sa kanyang bisikleta sa Mandaue City, Cebu.
Kinilala ang biktima na si Sandy Ursal, 45, ng Sitio Kagay, Borbon, Cebu.
Hawak na ng pulisya ang driver ng Ceres Bus na kinilalang si Jerito Cabahug, 39, residente ng Brgy. Guadalupe, Bogo Cebu.
Sa report, naganap ang insidente sa M.C. Briones Highway ng nasabing bayan.
Sa ulat, kapwa binabaybay nina Ursal at Cabahug ang nasabing lugar at pagsapit sa intersection ay biglang lumiko ang biktima, natumba ito at nasagasaan ng bus.
Agad naman dinala sa ospital si Ursal pero binawian din ng buhay.