Advertisers

Advertisers

Parating na si ‘Rolly’: Mga billboard at tent, pinababaklas sa Maynila

0 234

Advertisers

Nagsimula nang baklasin ang mga billboard at tolda sa Maynila bago pa man tumama ang Bagyong Rolly sa Metro Manila sa Linggo.
Unang tinanggal ng Manila Disaster Risk Reduction and Management and Office ang tent sa Quirino Grandstand kung saan ginagawa ang Covid-19 Serology test.
Anila, naapektuhan na dati ang mga tent dahil sa malakas na hangin at ayaw na nilang maulit at baka may masaktan pa.
Pakiusap din nila sa lahat ng may mga tent na baklasin muna lalo na at inaasahang malakas ang hangin ng bagyo.
Partikular na inaabusuhan nila ang mga barangay dahil kadalasan may tolda sa harap ng mga barangay hall at tolda rin sa mga checkpoint.
Bukod sa tent, pinababaklas din ang mga billboard sa lungsod. Nakikiusap ang Manila DRRMO sa mga may-ari ng malalaking tarpaulin billboard na pansamantalang tanggalin muna ang mga ito.
Inaayos na rin ng DRRMO ang mga rescue boats at iba pang kagamitan sakaling bumaha at kailanganin ng rescue operation.(Jocelyn Domenden)