May career pa rin after showbiz… Criselda Volks well- watched ang vlog sa Youtube,Happy sa piling ng kapwa babaeng partner sa Tate
Advertisers
Ni PETER S. LEDESMA
LATE 90’s nang makilala ang pangalang Criselda Volks sa sexy movies, and in all fairness to her ay hindi bastusin ang mga pelikulang ginawa niya like “Init Ng Dugo” na dinirek ni Rico Tariman at sexy drama movie ni Neil Buboy Tan na “Takaw Tingin.” Marami pang nagawang movies si Criselda at kasabay nito ang maraming kontrobersya na ipinukol sa kanyang career at personal na buhay lalo na sa magulong lovelife with an actor na involved din sa controversies.
Pero ngayon ay iba na ang buhay ni Criselda na very positive ang aura at namumuhay nang simple sa Texas, USA kasama ang mapagmahal at very supportive na partner in life na si Sheng Vogsh na may magandang trabaho sa nasabing bansa.
At yes, girl din ang karelasyon at gaya ng normal couple ay ganyan ang buhay nila sa Amerika at 13 years nang nagsasama ang dalawa. By the way, sumabay na rin sa agos ang sexy actress at pinasok na ang pagba-vlog under her official Youtube Channel Criselda Volks. “This Is My Life” na may thousands of subscribers na and still counting. Maganda ang content ng Vlog ni Criselda at isa sa nakaagaw sa akin ng pansin ay yung 20 Dollar Date nila ni Sheng na nagpunta sila ng mall at kumain sa food park na sobrang nabusog sila tapos may dessert pang ice cream. Pinuntahan din ng dalawa ang dating Resto bar na pinapasukan ni Criselda at nilibre sila ng wine ng manager rito na kaibigan ng sexy star.
Kita sa mga mata ni Criselda ang happiness, meaning, kontento sa siya piling ni Sheng. “Life is a learning process, na that you’re leaving in a modest life, that you’re leaving inhonest life and happy life,” pagbabahaging inspirasyon pa ni Criselda sa kanyang viewers na nadapa’t nagkamali sa buhay niya noon sa showbiz.
***
PPP4 extended hanggang December 13: Pista ng Pelikulang Pilipino ng FDCP, Nagdagdag ng Screenings at Events, magkakaroon ng video-on-demand at live streaming sa fdcpchannel.ph
BILANG pagtugon sa hiling na habaan ang ika-4 na Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), at dahil sa pagdagdag sa lineup na may 170 na pelikula, at para mapaunlakan ang final fine-tuning ng ibang pelikula sa PPP Premium Selection section, extended na ang festival ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) mula sa 16 hanggang 44 na araw.
Ang PPP4 ay magaganap mula Oktubre 31 hanggang Disyembre 13. Mas maraming mapapanood ang subscribers dahil may idadagdag na pelikula sa peak hours at weekends, at matututo rin sila tungkol sa filmmaking at Pelikulang Pilipino mula sa industry experts sa pamamagitan ng events gaya ng talkback sessions, panel sessions, at masterclasses, kaya ngayon pa lang ay mag-subscribe na sa FDCPchannel.ph.
Ang online PPP ngayong taon ay magkakaroon ng mixed format sa FDCP Channel platform (fdcpchannel.ph). Ang libreng video-on-demand (VOD) streaming ay para sa 80 na short films at para sa isang full-length feature: ang restored version ng Anak Dalita ni National Artist for Theater and Film Lamberto V. Avellana.
Ang libreng VOD streaming ay available mula Oktubre 31 hanggang Disyembre 13. Samantala, ang iba pang full-length features ay magkakaroon ng scheduled livestream screenings sa apat na virtual cinemas (na pinagalanan sa Cinematheque Centres ng FDCP). Hindi lalagpas sa anim na screenings sa bawat pelikula ang napagkasunduan ng producers at FDCP para ma-minimize ang exposure sa piracy. Ang paid scheduled screenings ay mula Nobyembre 20 hanggang Disyembre 13.
“We are listening to our subscribers, producers, and the rest of our stakeholders in order to make the 4th Pista ng Pelikulang Pilipino a more inclusive solidarity event. Aside from announcing the PPP4s extended duration, we are also pushing forth the Sama All spirit by offering a wide array of events to further promote Philippine Cinema, encourage more viewers to learn about the art of filmmaking, and boost the thriving PPP community,” wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Dino.
Exciting din ang magaganap sa awards night this year sa PPP4 SAMA ALL.