Advertisers
NAKALIGTAS sa kamatayan ang isang official ng Armed Forces of the Philippine (AFP) nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilang mga salarin habang papauwi ng bahay sa Trece Martires City, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Lt. Colonel Morella Siading Jr., Philippine Army, ng AFP PNP Housing Brgy Luciano, Trece Martires City.
Sa report, 9:10 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa AFP – PNP Housing sa Brgy Luciano.
Papauwi ng bahay ang biktima sakay sa minamanehong motorsiklo nang pagbabarilin ng ‘di nakikilang salarin.
Bagama’t hindi tinamaan ang biktima, nagtamo namam ito ng mga sugat sa katawan nang bumagsak ang sinasakayang motorsilo.
Isa sa mga angulong tinitignan ng mga otoridad ang kabiguan ng biktima na mabayaran ang utang nito P200,000 at pagsasampa ng kaso estafa ng pinagkakautangan.
Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad sa krimen. (Mark Obleada)