Advertisers

Advertisers

4 OTS personnel ‘guilty’ sa pagnanakaw – DoTr

0 4

Advertisers

NAPATUNAYANG “guilty” ng Department of Transportation ang apat na tauhan ng Office of Transportation Security (OTS) sa pagnanakaw ng pera sa isang pasahero.

Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista, bawat anggulo ng kuha ng CCTV ay kanilang masusing sinuri at lumabas na pera ang nilulon ng babaeng OTS personnel.

Pagtitiyak naman ng kalihim na dadaan sa due process ang OTS personnel at hindi sila agarang tatanggalin sa puwesto.



Lumabas din sa imbestigasyon na nagkaroon ng sabwatan ang mga sangkot na tauhan ng OTS.

Magugunitang itinanggi ng babaeng OTS personnel na pera ang kaniyang nilunok at sa halip kumain lamang ito ng tsokolate.