Advertisers

Advertisers

Estudyante patay, 2 pa sugatan sa kidlat

0 15

Advertisers

NASAWI habang ginagamot sa ospital ang 19-anyos na criminology student, habang patuloy na ginagamot ang dalawa pang estudyante na tinamaan ng kidlat noong Lunes sa Southern Leyte.

Nasawi sa Eastern Visayas Medical Center (EVMC) sa Tacloban City si Jundel Suganob; at patuloy namang inoobserbahan sina Alexis Baron de Vera, 20; at Cear Cruzada Batas, 21, kapwa criminology students sa St. Joseph College sa Maasin City.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, Southern Leyte, 6:00 ng hapon naganap ang insidente sa Sunken Garden sa provincial capitol grounds ng lungsod.



Nagsasagawa ang mga estudyante ng kanilang annual criminology week activities nang bumuhos ang pabugso-bugsong ulan na may kasamang malakas na hangin, kulog at kidlat.

Tumama ang kidlat sa puno subali’t nahagip ang tatlong biktima.

Nagtamo ng matinding pinsala si Suganob at bawian ito ng buhay sa ospital.