Advertisers
INATASAN ni Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. ang Department of Agriculture (DA) na gawing prayoridad ang farm-to-market road (FMR) projects upang matiyak na ang mga inisyatibo ay nakalinya sa Farm-to-Market Roads National Plan (FMRNP).
Sa sectoral meeting sa Malacañang, binigyang diin ni PBBM ang kahalagahan ng pagsasaprayoridad ng mga proyekto na nakaangkla sang-ayon sa utility at development aspect.
Iginiit ng Pangulo na maraming kalsada sa bansa na hindi maganda ang kondisyon na nakakaapekto sa pagluluwas ng mga produkto.
Kasabay nito, ipinag-utos din ng presidente sa mga opisyal ng DA na makipagtulungan sa iba pang mga ahensya sa pagtukoy sa mga lugar na may mga kalsadang dapat itayo o ayusin upang matiyak na magiging maayos ang daloy ng mga produkto at serbisyo.
Ayon kay PBBM, mahalaga ring ikonsidera ang pagsasaayos sa mga FMRs na napinsala ng baha at iba pang kalamidad. (Gilbert Perdez)