Advertisers

Advertisers

Tulak ng ‘damo’ timbog sa QC

0 99

Advertisers

INARESTO ng mga operatiba ng Novaliches Police Station 4 (PS 4) ang isang tulak ng ilugal na droga nang mahulihan ng isang kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana sa buy bust operation sa lungsod.

Sa ulat ni Lt. Colonel Jerry Castillo, hepe ng PS4, kay Quezon City Police District (QCPD) Director, Brigadier General Redrico Maranan, kinilala ang nadakip na si Jandy Cabilosa, 25 anyos, ng Bagong Silang, Caloocan City.

Ayon kay Castillo, si Cabilosa ay naaresto 2:25 ng umaga nitong Martes sa Quirino Highway, Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City.



Nakuha sa posisyon ng suspek ang isang kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng P120,000.00, at buy-bust money. (Almar Danguilan)