Advertisers

Advertisers

Bangkay ng dalagita may tali sa leeg at kamay natagpuan sa Quirino

0 15

Advertisers

ISANG bangkay ng 17-anyos na babae ang natagpuan sa masukal na bahagi ng Barangay San Isidro, Diffun, Quirino.

Kinilala ang biktima na si Lyan Ancheta, 17 anyos.

Sa report, may tali sa leeg, kamay at paa ang biktima.



Lumabas sa resulta ng awtopsiya na pagsakal ang ikinamatay ng dalagita.

Hinihintay pa ang resulta ng pagsusuri kung ginahasa ang biktima.

Sinabi ng mga magulang ng biktima na dati nang umaalis ang kanilang anak at umuuwi rin naman pagkaraan ng ilang araw. Kaya hindi nila kaagad naisumbong sa awtoridad nang hindi ito nakauwi.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">