Advertisers
Inaresto ng mga personahe ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA-10) at Philippine National Police ang anak ng isang incumbent barangay kapitan sa Zayas, Upper Carmen, Cagayan de Oro City nitong Biyernes.
Kinilala ang naaresto na si Uriel Micabale, 28, binata at Student pilot sa Cebu City.
Inihayag ni PDEA-Misamis Oriental Team focal person Adolf de la Cerna na matagal ng nasa listahan nila at PNP ang suspek na nagsu-suplay ng illegal droga sa nasabing lungsod.
Nakumpiska kay Micabale ang 10 malalaking sachets ng shabu na walang pang estimated market value dahil isinailalim pa sa laboratory processes.(PFT team)