Advertisers
Sinalakay ng mga tauhan ng Makati City Police ang isang hotel na nagsasagawa ng operasyon ng isang klinika sa isa sa mga units sa Barangay Poblacion.
Naaresto ang isang He Pian Yun, 58, Chinese citizen at nanunuluyan sa Unit 506 Oyo 196 Destiny Hotel sa Mariano street.
Ayon sa Business Permit and Licensing Office ng Makati LGU, walang permiso at lisensiya ang klinika para makapag-operate.
Patong-patong na mga kasong kriminal ang kahaharapin ni He. (Gaynor Bonilla)