Advertisers

Advertisers

TULAK’ NA JAILGUARD TIGOK SA DRUG BUY BUST

0 204

Advertisers

LAGUNA – Todas isang jailguard nang manlaban sa drug buy-bust operation ng mga operatiba ng pinagsanib puwersa ng Provincial Intelligence Unit (PIU), Regional Intelligence Division (RID) 1st LPMFC at Calamba City PNP sa Barangay Bunggo, Calamba City nitong Huwebes ng umaga.
Ang nasawi ay nakilalang si JO3 Joseph Rey Villegas, 43, ng Burerau of Jail Management and Penology.
Sa ulat ni PIU Chief Police Major Ryan Jay Orapa kay Laguna PNP Provincial Director Col. Serafin Petalio II, si Villegas ay nasa PRRD Special List, Priority High Value Individual (HVI) Provincial Level at lider ng ‘Villegas Drug Group’ sa ikalawang distrito ng Laguna at karatig na lalawigan.
Nabatid na 10:10 ng umaga nang magkasa ng buy bust ang mga operatiba sa pamumuno ni Orapa nang mauwi sa barilan ang operasyon.
Hinala ng pulisya, nakatunog ang target na pulis ang kanyang ka-transaksiyon kaya bumunot ito ng baril. Dead on the spot si Villegas.
Si Villegas ay mister ng kalalaya lang na tulak na si Joy Manaig Villegas na nakulong noong 2018 at nakalaya kamakailan.
Nakuha sa posisyon ni Villegas ang 11 plastic sachet ng shabu na nasa 50 gramo, sinasakyan nitong motorsiklo na Suzuki Raider at 9mm Taurus pistol. (DICK GARAY)