Advertisers

Advertisers

DND Sec. Teodoro tinawag na hipokrito ang China sa pahayag nitong nakasisira ang BRP Sierra Madre sa karagatan

0 16

Advertisers

TINAWAG ni Defense Sec. Gilbert Teodoro Jr na “Hypocritical” ang akusasyon ng China sa pagkasira ng yamang karagatan sa West Philippine Sea.

Ito matapos na akusahan ng China ang Pilipinas mula nang isinadsad ang BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal na ang pagtatapon ng mga dumi nito ay nagdudulot ng pollution na sanhi ng pagkasira sa bahura ng WPS.

“The statement of China that the grounded Sierra Madre is causing irrevocable harm is to put it as politely as possible, hypocritical,” pahayag ni Teodoro.



Binigyan-diin ni Teodoro ang patuloy na isinasagawang mga iligal na reclamation sa nasabing lugar ng China ang siyang sumisira sa karagatan ng South China Sea.

Aniya, ito ay napatunayan base sa resulta ng inilabas na ruling ng Hague-based Permanet Court of Arbitration noong 2016 ang tahasang paglabag ng China sa International law.

Kung saan ang isinagawa nitong iligal na reclamation sa nasabing lugar ang sumira sa mga likas na yaman sa karagatan.

Sinabi ni Theodoro na ang pahayag ng China ay isang propaganda lamang na nais ilihis sa katotohanan sa kanilang pinaggagawang iligal na aktibidades sa South China Sea.

Ang mga ganitong propaganda, aniya, nagpapakita nang kawalan ng katapatan ng China dahilan upang mawalan ng tiwala ang Pilipino at maging ng buong mundo sa China.



Nauna rito, sinabi ng spokesman ng China Foreign Ministry na kung talagang nag-aalala ang Pilipinas sa pagkasira ng yaman dagat sa WPS, dapat na alisin ang isinadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal na nagdudulot ng pollution bilang tugon sa plano ng bansa na paghaharap ng kaso laban sa China sa “Permanent Court of Arbitration” matapos na matuklasan ang tinamong pinsala ng mga coral reef sa Iroquios Reef ng mga barko ng China. (Mark Obleada)