Advertisers

Advertisers

P13.6m shabu huli sa babaeng HVT

0 11

Advertisers

NAGKAKAHALAGA ng P13.6 million ng shabu ang nasamsam at pagkakadakip sa isang babae na high value target (HVT) ng mga elemento ng Philippine Drug Enforcememt Agency (PDEA) sa buy bust operation sa Valenzuela City nitong Biyernes.

Kinilala ang nadakip si Bora Mimbalawag, 40 anyos, ng Mapoling 9703 Lumba, Bayabao, Lanao Del Sur.

Sa report, 3:20 ng hapon nang magsagawa ng buy bust operation ang pinagsanib na mga elemento ng PDEA RO-NCR RSET 2, PDEG SOU NCR, RDEU sa tapat ng JINYI Import and Export Trading Co., Inc. Mindanao Avenue, Barangay Ugong, Valenzuela City.



Narekober sa suspek ang kabuan 2,000 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P13.6 million at gold platinum Avanza (NBX 5763). (Mark Obleada)