Advertisers

Advertisers

Sen. Zubiri: Lagyan ng CCTVs ang lahat ng Philippine Embassy at Diplomatic Residence

0 205

Advertisers

INIREKOMENDA ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na lagyan ng mga CCTV cameras sa lahat ng opisina at tahanan ng mga ambassadors ng Pilipinas sa buong mundo upang maiwasan ang pang-aabuso makaraang makaranas ng pangmamaltrato ang isang Pilipina mula sa kamay ni Ambassador to Brazil Marichu Mauro na inaasahang poprotekta sa mga Pilipino sa ibang bansa.

“I’m proposing the budget deliberations and I will request Senator Sonny Angara, the chairperson of the Committee on Finance, to appropriate an additional fund to the Department of Foreign Affairs para sa kanilang CCTV program,” wika ni Zubiri.

“Lagyan ng CCTV lahat ng tahanan, of course except the bathroom and bedrooms… para sa ganoon ay makita natin itong pangyayari. Online naman ang mga CCTV ngayon, it’s all in the cloud. If they make a mistake they can no longer erase it,” ani Zubiri.



Aniya, posibleng nilabag din ng ambassador ang tatlong batas kabilang na ang Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees; Article 266 ng revised penal code o slight physical injuries and maltreatment, at RA 10361 o ang kasambahay Act.

Hindi na rin kinakailangan ang pagdinig ng Senado dahil sa mabilis na pagtugon ng DFA at imbestigasyon ng ahensya hinggil sa naturang insidente.

Gayunman, inilarawan ni Zubiri na “black eye” pa rin ang nabanggit na insidente sa DFA.

“It’s a bit of an international incident against us, against the Filipinos and a black eye to the Foreign Affairs department,” ani Zubiri.

“It also sends a bad signal to countries where they abuse our compatriots… With an incident coming out like this where a person of authority who’s supposed to protect the Filipinos is actually the one maltreating Filipinos, eh baka gamitin pa nila ‘yan at sabihin o mga abusador din ang mga tao ninyo,” dagdag nito.



Haharangin din ng senador ang appointment ni Mauro kapag humarap ang opisyal sa Commission on Appointments again. “We will stop the appointment due to these reasons,” aniya.

Samantala, ibinahagi rin ni Zubiri na masaya na ngayon ang kasambahay dahil nakauwi na siya sa Cotabato kasabay ng pangako na tutulungan niya sa anumang paraang makakaya niya. (Mylene Alfonso)